GNOP ito ang aking kwento.

9Jun/1191

KM2: Wala

Kakaiba ang tao sa lahat ng nilikha sa mundo. Siya lamang ang hugot mula sa alabok at hinipan para magkabuhay. Samakatuwid, banal ang diwang nananalaytay sa kanyang ugat at may dugong maharlika dahil sa pagkakatalaga niya bilang tagapamahala sa lahat ng adhika ng kanyang tagapaglikha. Walang pag-iimbot na nakakalawit sa kanyang budhi. Walang puwang ang inggit at panibugho sa kanyang puso’t isip sa anumang nilalang na lumilipad sa hangin, tumutubo sa lupa at uring-buhay sa tubig. Walang pasubali na dalisay ang diwa ng tao; dumadaloy kagaya ng sibol.

Sa simula’y sintamis ng pulot-pukyutan ang  relasyon niya sa kanyang tagapaglikha. Nakita niya ang luwalhati na handog ng init ng araw at lamig ng gabi. Inaliw siya ng kulay ng mga bulaklak at bahaghari, sinabayan niya ang indayog ng mga puno’t halaman sa saliw ng hangin at musika ng mga ibon, at nagtampisaw sa kakaibang dulot ng ulan. Ang lahat, sa isang iglap ay ipinagpalit sa kasinungalingang diwa’t kaisipang kalayaan. Ipinagpalit ang buhay sa kamatayan.

Natuklaw siya ng isang ahas na animo’y dikya na maamo ngunit makamandag. Naging lugami siya ng kasinungalingan. Nagpakasasa  sa katiwalian, sa silakbo ng damdamin, at naging alipin ng halinghing na dulot ng sarap ng laman. Kung dati’y nasa liwanag, ngayo’y nagkukubli sa madilim na yungib. Walang kapararakan kung makipagniig sa kabuktutan at kinikiliti ang kuyukot sa kasamaang kinasasadlakan.

Kung ang manananggal na nangangalumata ay nakakabalik sa hating katawan matapos mambiktima, bakit mahirap sa tao na bumalik sa simula? Bakit pilit na sinasariwa ang sakit ng sugat ng kahapon na kung tutuusi’y sa bawat sugat ay may peklat ng paghilom? Peklat ng kahapon na paghihilumin ng panahong pangkasalukuyan o ng panghinaharap. Pero madalas, pinipili pa din ang paulit-ulit na tila alingawngaw - habang papalayo’y papahina, pero ang hapdi ay papasakit nang papasakit. Sakit na kayang gamutin ng kanyang tagapaglikha.

Isang katotohanan na ang tao ay sakim. Lahat, ninanais na maangkin. Nakalimutan na niya na wala siyang dalang anuman sa sanlibutan at wala rin siyang madadala pag-alis? Isang malaking paglimot na ang daloy ng diwa ay sa ugat nagsisimula, sa Dakilang Lumikha. At liban sa Kanya ay wala.

***

Ang lahok na ito ay bilang pagsuporta sa Kamalayang Malaya 2: Daloy Diwa ni G. JKulisap. Mabuhay ang Wikang Filipino.

***

Sa Dakilang Lumikha ang lahat ng papuri.

Posted by ianjudah

Comments (91) Trackbacks (1)
  1. di ko pa nabasa pero masarap manatili sa kuta mo dahil sa tumutugtog na background. anong kanta ito?

    • Hello Lian, I know you,re there are title niyan by casting crowns.
      Salamat naman at nagustuhan mo ang song.

      Be blessed. =)

  2. ang ganda kung paano mo ginamit yung mga salita sa paghahambing sa relasyon ng tao at ng kanyang kinikilalang tagapaglikha’t tagapag ligtas.

    iba ang antas ng lahok na ito. nagamit ang kamalayang malaya sa sariling paraan mo ng pagpupuri.

    • Isang karangalan na magcomment ang 2 time champion ng Kamalayang Malaya. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing may pakontest ay ganyan ang nagiging tema ko, siguro bias nga ako dahil mas ninanais kong ituon ang buhay kong liko sa Kanya. Be blessed po Kuya Duking.

  3. pinapakita ang simula ng lahat…

    ang paglikha sa tao at ang unang kasalanang kanyang nagawa…

    madaling matukso sa kasakiman at sandaling kaligayahan…

    :D

    • Tito, salamat naman at nakasali tayong muli sa KM2, nakakamiss man ang iba at least masaya pa rin. yey.

      kamusta na si pepe? ikaw na! siguru nga marupok ang tao sa kasakiman man o kaligayahan at matigas siya sa kabutihan at katapatan.

      be blessed po!

  4. si LIAN? LIIIAAANNNNNN!!!!

  5. Poi, ang galing ng pagkakagawa mo…

    “I know you’re there” kasama yan sa list ko na pinapakinggan kada umaga :-)

    • Ate Anne, namiss po kita! yey!
      salamat naman po, maganda mga kanta ng casting crowns.

      kamusta na ang kakambal ng kulisap?

  6. Sir Pong, Yow’s back. Haha.

    Ang ganda ng gawa mo. At napakarefreshing. Haha. Ewan ko, ganun ang palagay ko.
    Yung mga words nagamit ng mahusay at ang ganda ng structure tsaka ng mismong punto ng akda. Naks..
    Nakabasa na kasi ako ng ilang entry pero parang masyadong nagpakamakata at dinaan sa lalim ng thought at lalim ng pananalita.
    Ako na ang critic. Pag nabasa to ng iba kong binasa baka magalit. Haha.
    Madami na din naman kayong nagustuhan ko. Kayong mga naintindihan ko lang talaga. Haha.

    Congrats and God bless.

    • Salamat sir Yow, magagaling lahat ng mga lahok. Isang pagpupugay sa Diyos sapagkat binigyan niya ng talino ang tao.

      Welcome sa bagong kuta ko boss yow!

  7. Hello po, Kuya Pong..

    Ang ganda ng gawa mo. About spirituality naman… Galing. :) at swak na swak rin yung tema sa background music.. :)

  8. Amen!

    Lalong tumindi ang takot ko sa iyo Pong! alam mo na iyon :)

  9. interesting! napaka husay ng iyong akda! ikaw na ang magaling!

  10. ang galing nito.masarap basahin,at akmang akma ang mga balakid na salita…like like like!

    na binigyan buhay pa nangkanta…galing!

    • Maraming salamat po, Sa Diyos po ng papuri. Magaling din po ang gawa niyo, ser. Salamat po sa pagdalaw.
      Be blessed po!

  11. galing ako sa kabilang bahay mo pong…
    hmmmm… ang galing ng gawa mo pong. salamat sa paalala :)

  12. kuya pong, ang ganda po.

    ngayon ko talaga nakita na bawat akda ay sumasalamin sa nagsulat.

    :)

    • Waling anini!

      Ikaw din ang mga bituin, plus may buwan pa sa kabila. Lels

      Kamusta ka na? Salamat sa iyo! Salamat din sa mga text na quotes. Natatanggap ko sila, wala lang akong pangreply. xD
      Be blessed!

  13. nakakabilib ang talento ng mga manunulat na pinoy. ang galling naman

  14. Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.

    Ito po ay Kalahok Bilang 32

    32 KM2: WALA
    Pong Kingdom of Saudi Arabia

  15. mahusay at maganda ang pagkakasulat…

  16. May kutob akong ito na. :D
    This post is indeed the hardest one to beat. May guidance kasi eh.

    Stay blessed po sir Pong!

  17. Pong maganda ang musika pero sana Tagalog, para mas ramdam natin ang pagbabasa.

    :)

  18. napanganga ako sa iyong likha!! ang galing! binase bibliya sa buhay ni adan at eba! hindi nakakaumay basahin dahil may dulot na aral sa huli.

  19. kuya,alam mo kung ano ang pinakagusto ko dito, magaling ang pagkakatahi ng sanaysay na ito, yung ramdam kong hindi pinilit na gamitin ang 16 na salita, kundi naging tulong upang maipaliwanang talaga ang katotohanang alam mo.. ^^

    God bless kuya pong, walang halong bias, isa ‘to sa mga dapat manalo para sa’kin. :)

    • Kat, salamat naman. Sabi nga natin, gantimpala na ang 43 na kalahok ay mabasa ito. Purpose served.
      Be blessed kat.
      Blessed birthday!

  20. aiwa! wala ng ibang mas Makapangyarihan sa Kanya.

  21. amen to that!! :)
    galing ng katha mo, i’m truly blessed! there’s really no one else like Him.
    kaya lang bakit nde ko naririnig ung kanta sa blog mo? :)

    • Salamat sir sa pagdalaw. Salamat sa Diyos at ika’y napagpala.

      Be blessed po sir!

      • ayyy.. sir pong, babae po ako.. hehehe.. you may be away but God will always be at your side.. just keep the faith everything will be fine.. :) parang alam ko kwento ng buhay mo no? hehehe.. God bless! :)

  22. bihira ako magkomento sa mga kalahok na nabasa ko na, pero dito, hindi ko mapigilan… :)

    mahusay ang pagkakahabi, natural na natural ang daloy, hindi pinilit ipasok ang ideya para sa mga salitang kailangang gamitin… isa ito sa mga gumamit ng 16 na salitang walang halong panlapi… panalo!

  23. Ayan kuya nadalaw na ako… Dumadotcom ka na kasi… sa title parang walang sinabi ang entry mo kasi WALA ang title… Pero super like ko ito kasi it reminds me of having a great relationship with the Lord.. Inspiring entry kuya… Inisa isa ko lahat na dalawin uli para makapagiwan ng post… kakatapos ko lang kasi kaninang ipasa ang marka na binigay ko… Prays GOD natapos ko… God bless… You are a big inspiration to me.. Sana katulad niyo ni JKUL maging magandang impluwensiya din ako… Ayos.. Palong palo ang poste mo.. Ganda ng bago mong site kuya….

    • Naku Sir Berl, lahat po tayo inspirasyon sa iba, sa pamilya, katrabaho at sa iba pa. May role tayong ginagampanan, play well lang ba kumbaga. Kung may kapalpalakan man bangon lang.

      Magaling din po ang entry mo!

      Be blessed!

  24. isang pagpupugay sa KM2 winner! :)

  25. congrats pong nagkatotoo yung message ko sayo sa fb kagabi : ) ikaw na ang deserving pongkie : ) god bless u always bro : )

  26. congrats pongskie….
    you deserve it…. green apple mcfloat! yehey!!!!

  27. conrats sir pong, napakahusay po ng inyong akda, deserving sa pagkapanalo :) cheers!

  28. congrats sir pong, napakahusay po ng inyong akda, deserving sa pagkapanalo :) cheers!

  29. congrats pong! party party!!! Be blessed. Be a blessing. :D
    Kampay!

  30. congrats, pongkie! deserving ka talaga. Hindi man makauwi pa at may mga suliraning kelangang harapin, ito naman ang nagbigay sayo ng karangalan!

    iintahin namin lalo ang paguwi mo. haha! kampai!

    • salamat po ate kaye, opo magkikita-kita na tayo niyan malapit na. yung totoo natuwa po talaga ako, kahit di ako masyadong nagexpect. =)
      salamat po sa pagbati, congrats din po sa inyo!

  31. kuya pongskie. congratz! :)
    picture picture tayo! ehehe!

  32. I-vodkape na iyan!!!! Congratulations!!!!

  33. Ito ang wala na meron.

    Owkei.

  34. congrats….pakain na jan…hehehe….

  35. tnx po mam krisjewel, bakit po nakaprivate ba yung blog mo?
    be blessed po!

  36. ibang klase ka talaga, pareng pong. tatak-pong balatong ang akdang ‘to, walang duda! congrats! papiktyur naman sa bagong digicam. \m/

    • Salamat boss L. Ang totoo namimiss ka na ng mga bloggers, at yung sanang lahok mo sa KM2. Malapit na malapit na ang pag-uwi boss lio, kaya mapipityuran na din yung digicam.

      Ingats, blog na ulet!

  37. pasok sa banga…. hahaha…

    galing galing …

    Godbless..

  38. ngop., ohhhh yeahhhhhh

  39. haiz kuya.. :-D mabuhay ka.. :-D hmn.. ang model ng vybershot camera ay nagsisimula sa dsc … :-D hehehe…

  40. See? I knew et! Ang husay kasi. Ikaw naa! CONGRATULATIONS. Idol! Thank you Lord. :)

    • Salamat Ser Yow! Glory to God. Ikaw na ang pwedeng maging kapalit ni Kuya Kim, pwede ka ng magpredict. hahaha salamat ulet!

  41. Congrats, kuya pong! Well deserved!

  42. Pong, the best! Congrats! Galing mo talaga…..

  43. Buhayin na ang bangkay Pongkie. Hehehe.

    :)


Leave a comment

(required)